Wednesday, March 24, 2010

everyone happy? love is in the air? pakshet! nasaan ang akin?

ewan ko ba... ewan ko ba kung 'di ko lang napansin, or ngayon ngayon lang.. para bang lahat ng tao e masaya ngayon? para bang walang problema... weh!

uo nga, alam ko naman na hindi lahat masaya. i mean may kanya-kanyang problems din tayo, 'ika nga nila. yeah it's true, pero naman wow ha ang galing naman magtago't magkunwari ng mga tao para mapaisip tuloy ako na ako lang ang problemado't malungkot sa buhay.

hay pakshet kayo! galing nyo naman.... nagiging emo tuloy ako. chos!

oh well... and isa pa, para bang ngayon ko na napapansin lahat ng tao, and para bang everyone's beautiful in their own way... personality, mukha... para bang lahat e may capability maka-bingwit ng kani-kaniyang mga jowa.

naranasan nyo na ba yun? na para bang pag tingin nyo sa paligid e ang ganda ganda sa mata ng mga tao? na para bang ang ganda ng mundo at kayo nalang ang natirang ewan sa mundo? hay naku. emo shit nanaman ako. pakshet!

basta lahat ng ito e sa office ko naman naramdaman.. ay basta.

sa hindi nakakaalam single nga pala ako... more than 2 years na. i had 2 relationships 2007 (syempre hindi sabay no, stick to 1 to 'noh!) and dated someone too... basta 2007 na ang pinakamakulay na part ng buhay ko...

naiisip ko nga e, that was the year that i was in my best form. i mean sa katawan.. dun kasi yung time na na-addict ako sa pagpapapayat at pag-eexercise, buhat onti. ganun. and now i think hindi na ako in demand dahil tumataba na ako. or pumapangit ang mukha. ay ewan!

just by looking at this, makes me think na siguro nga talagang dapat may itsura ka pa din para naman maka-bingwit. oo alam ko may magsasabi dyan na wala sa itsura ang lahat, sa personality, spark, sa paglapit at style, ekek etcetera... pero pano naman kami na walang personality, spark, mahiyain at ayaw lumapit, walang style, ekek etcetera? siguro ang pag-asa nalang namen e ang magkaroon ng magandang mukha, katawan pata lapitan kami...

okay tama na ang lokohan. basta sa nakikita ko e i think dapat may itsura pa din tayo... i mean kung gusto naten na lapitan tayo e dapat medyo okay itsura naten, and then kapag lumapit na sila e saka natin akitin ng ating mga personality, spark, ekek etcetera....

i'm not saying na looks lang... pero para sa mga TULAD KONG TORPE AT MAHIYAN, (sobrang mahiyain, yan a naka-all caps na) na hindi talaga makalapit sa taong gusto nya at walang capability to make conversation with the one they like and walang confidence e dapat ata magpa-retoke na ako't magpa-gwapo para lapitan ako or magparamdam ang cute na guy na type ko...

okay nakikipag-usap naman ako sa mga tao, kahit na hindi ko kilala, pero what i am saying is... pagdating sa taong gusto ko, yung type ko at crush ko, e naku, hindi ko na sila makausap... talagang nagiging torpe na ako to the point na baka isipin nila e ayaw ko sa kanila. pramis!!

may isa ngang time sa office. palabas ako at papasok yung crush ko. nagkatinginan. ngumiti ang isa... at alam mo ginawa ko? WALA. medyo ngumiti ata sya (di nga ako sure kasi wala pang 2 seconds e inalis ko na tingin ko sa kanya). at ang ginawa ko? inalis ang tingin, kung nasa kaliwa ko sya, tumingin ako sa kanan habang naglalakad pasalubong sa kanya... o diba? pakshet!!! pagkalagpas ko talaga e pinagmumumura ko sarili ko. pakshet! yung na nga ang time ko para ngumiti e hindi ko pa nagawa? puta naman o...

ay basta! pakshet!!!

No comments:

Post a Comment